Bagong warship ng China agad kinalawang! Natuklasan umano ng US Navy na substandard ang pagkakagawa



Dineploy ng Chinese navy ang pinakabagong destroyer nito sa South China Sea habang patuloy na pinapalawak ng China ang shipbuilding capability nito, ayon sa ulat ng isang Chinese state media.

Ang Nanning, isang bagong type 052D guided missile destroyer ay ipinakita sa publiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang makatotohanang combat training exercise sa South China Sea matapos itong ilagay sa serbisyo ng People’s Liberation Army Navy, ayon sa pahayag ng official website ng PLA.

Ang Nanning na mayroong tatak na 162 na numero sa ship hull nito, ay nakunan ng litrato kasama ang Type 901 comprehensive supply ship na Chaganhu at Type 071 na amphibious dock landing ship Qilianshan ng Southern Theater Command ng People’s Liberation Army na nagsasagawa ng naval drill sa pinagtatalunang South China Sea na kung saan ay inaangkin din ng limang iba pang mga bansa.

Ang Nanning ay naiulat na kinomisyon noong Abril sa Zhanjiang port sa Guangdong province at ang warship ay pangatlo sa klase nito na inilagay sa serbisyo ngayong taon, kasunod ng Suzhou at ng Huainan at dahil dito ay mayroon ng 18 Type 052D vessels ang nasa serbisyo.
/a>